Sa umaga’y ikaw ang hinahabul-habol, pinakikiusapang bagalan mo muna
ang iyong takbo, pinapasalamatan kung
nakaabot sa opisina ng sakto sa alas otso. Nakakahinga naman ng maluwag pag
nauuna sayo. Pagpatak ng alas onse pakiusap nama’y bilisan mo, sikmura ko’y
gutom na kakahintay sa sayo. Di na maka pokus sa aking trabaho, pagkain na lamang
ang nasa isip ko.
Sa pagnanghalian muli paki-usap ko, bagalan mo na naman ang iyong
takbo. Para isang oras na break masulit ko at kahit sandali maka-idlip ako.
Pagdating ng dapit hapon ang bagal na naman ng takbo mo. Siguro’y pagod
kana sa mga paki-usap ko. Pero gusto ko ng umuwi, utang na loob bilisan mo.
Gusto ko ng humiga sa alambot na kama ko, pero sa mga pakiusap ko ay natutunan ko, na ikaw ay ginawa di para
hintayin ako. Ating kapalara’y tanggap ko na… Ikaw ang hinahabol, ako dapat ang
humahabol.
-Joy-
No comments:
Post a Comment