O kay gandang salita
Lalo na pag talagang
tinatamasa
Sinasabing malaya ang
bansang Pilipinas
Oo, malaya na sa
pananakop ng mga Espanyol, Amerikano’t Hapon ang Pilipinas
Pero talaga bang
malaya na ang Pilipinas?
Di pa tayo malaya sa
mga sakit ng ating lipunan
Mga korap na
nanunungkulan
Mga korap na
mamamayan
At ang sistemang
bulok na ating nakasanayan
Ang tunay na
kalayaan, di lamang nasusukat sa paglayas ng mga mananakop na dayuhan
Ang tunay na kalayaan
ay ang paglaya sa mga pulitikong trapo ay gahaman
Ang tunay na kalayaan
ay ang paglalakad sa daan ng walang pangambang madukutan
Ang tunay na kalayaan
ay ang mga batang nakakapag-aral sa eskwelahang hindi barat sa mga guro’t kagamitan
Ang tunay na kalayaan
ay ang pagkakaroon ng mga maralitang Pilipino ng pagkaing sapat sa hapag kainan
Ang tunay na kalayaan
ay ang pagkakaroon ng mga Pilipino ng magandang kabuhayan sa lupang sinilangan
Ang tunay na kalayaan
ay ang pagtangkilik at pagsuporta sa mga produktong sariling atin
Ang tunay na kalayan
ang kakayahan ng ating bansa na makatayo sa sarili nitong mga paa sa ano mang
sitwasyon at panahon
Oo, malaya tayo sa
kamay ng mga dayuhan
Pero hanggang doon
nalang ba ang ating kalayaan?
Huwag nating sayangin
ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani
Kalayang ipinaglaban hanggang
kamatayan upang kasarinlan ng bansa ay mabawi
Hindi sapat ang
kalayaan sa mga dayuhan, sapagkat ito’y simula pa lamang
Pero sa ilang
dekadang nagdaan, pag-alpas sa simula’y di maisakatuparan
Di makausad, di
makalaya sa dilim ng nakaraan.
-Joy-
No comments:
Post a Comment