Walong taon na ang lumipas ngunit bakit hindi ko pa
rin maalala ang nakalipas. Gabi-gabi sa aking pagtulog pilit na bumabalik ang
bangongot ng kahapon. Pilit pa rin akong hinahabol ng alaalang kailanman ma’y
hindi naglaho sa aking puso. Pilit pa ring bumabalik ang araw na yaon. Araw na
siyang bumago sa buhay ko. Araw na siyang sumakop sa aking buong pagkatao. Akala ko huli araw na iyon ng buhay ko. Akala
ko nga nang mga panahon na iyon ay hindi na ako mabubuhay... Pero himala! Buhay
na buhay pa rin ako hanggang ngayon hindi nga lang makaalala. Bakit nga ba
hindi ko iyon maalala? Itinadhana nga ba na dapat hindi ko na lamang iyon
maalala? Sabi ng doktor Permanent Selected Amnesia lang daw iyon pero bakit ganoon,
ramdam ko na parang may kulang? Bakit parang hindi ako masaya? Ramdam ko kasi
na parang may parte ng aking pagkatao na nawala. Bakit ganoon ang nararamdaman
ko? Senyales kaya ito na makaalala pa ako? Masasagot pa kaya ang mga tanong sa
aking isipan?
Bakit palaging sumasagi sa aking isipan ang
katanungan na “Bakit may kulang?”. Sa gabi tuwing ako’y nakatihayang natutulog
ay binabangongot ako. Binabangongot ako ng pangyayaring
yaon na kung saan ay nakahiga ako, nakatihaya, nakatingin sa langit kasabay ang
pagputi ng lahat na aking mga nakikita subalit nakapikit naman ang aking mga
mata. Sa katunayan nga tuwing ito’y nangyayri ay parang may pumipiga sa aking
puso. Siguro”y hatid nito ang isang napakasakit na alaala. Sabi pa nga ng aking
Ina ay palagi raw itong nangyayari sa akin. Ayon pa sa kaniya, tuwing
nangyayari raw ito ay sumisigaw ako, umiiyak at nanginginig ang aking buong
katawan. Kaya nga dalangin ko na sana’y makaalala na ako para na rin mabigyang
kasagutan ang lahat ng mga katanungang bumabagabag sa aking buhay. Kita ko kasi
ang sakit sa mga mata ni Ina tuwing ako’y nahihirapan. Permanent Selected
Amnesia lang naman ito pero bakit ganoon? Bakit ba sa bawat pagtulog ko ay
nangyayari ito? Datapuwat sa aking bangongot ay puro puti lang naman ang aking
nakikita. Ngunit bakit parang may kirot akong nararamdaman na para bagang ang
pangyayaring iyon ay isang nakapanlulumong alaala.
Siguro may nangyaring masama sa akin nang mga
oras na yaon. Siguro may tumulak sa akin doon pero bakit naman? Siguro naging makulit
ako kaya nangyari iyon. Baka ako pa mismo ang dahilan kung bakit ako nahulog
doon. Siguro may kasama ako sa mga oras na iyon o baka naman ako lang mag-isa.
Datapuwat paano naman ako mahuhulog doon kung ako lang mag-isa? Paano nga ba
ako nahulog doon? Paano ba nabagok ang aking ulo? May kasama nga ba ako? Ako
lang ba mag-isa? Ano kaya ang mangyayari kong hindi iyon nangyari? Posible kaya
na mas naging maayos ang buhay ko ngayon kung hindi iyon nanagyari? Posible kaya na
hindi na maghihigpit si Ina? Posible kaya na hindi na sasakit ang aking ulo?
May mas magandang buhay kaya ako ngayon? Malalaro ko kaya ang mga larong
pambata na ipinagbawal sa akin ni Ina? Ano kaya ang mangayayari sa’kin kung
hindi iyon ang nangayri? Iyan ang mga katanungang labis na bumabagabag sa aking
buhay. Mga katanungang nais kong masagot subalit may tanong na matagal ko ng
inaasa-asam na masagot at iyon ay ang, “Makakaalala pa kaya ako?”.
-Grace-
No comments:
Post a Comment